Monday, July 6, 2015

J E L L O is the new JELLY


   Just like the lyrics of the song, this one goes "Jelous of the one who's arms are around you.."

  Define Jelousy / Jelous. Sabi ni Mareng Merriam at pareng Webster, They defined "Jelous" as "Suspicious of  a rival or of one believed to enjoy an advantage".
 
   Bilang tao, taong nag mamahal kahit ba hindi kayo, basta alam mong nag mamahal ka ng tao, kahit patago, un-reciprocated man or jowa mo nga siya pero may lumalandi naman na iba, normal lang naman siguro talaga ang makaramdam ng tinatawag na SELOS. Pero hanggang kailan at paano ba natin malalamapasan ang pagseselos na yan?. Para saakin unang una talaga na kailangan ay TRUST, isa sa major component nga ng relasyon yan diba? (Relasyon so meaning im talking about a situation wherein kayo ng mahal mo okay? KAYO hindi yung ikaw lang ang may alam na boyfriend/girlfriend mo siya). Dapat tiwala ka sakanya na hindi ka niya sasaktan or hindi ka niya lolokohin, pag wala pa namang trust issues na namagitan sainyo from the past, isang malaking check ito, Pag may nakikita kang babae na umaaligid sakanya, wag kamunang praning at mag statement ng "Hoy! babaeng haliparot.." ekis yan teh, obserbahan mo muna, magkalap ka muna ng impormasyon, at pag wala ka naman nakikitang kahinahinala, then LET IT GO.. But when it bothers you na, and that person is already getting into your nerves, mas mabuti na rin siguro na mag initiate ka na ng conversation. Una mo dapat kausapin? ang Bf/Gf mo. Pag siya mismo ay nag kukuwento na ng kung ano ano na ginagawa ni babae o lalaki at pati siya nag hihinala na, aba teh, raise your red flag and proclaim a war na... De joke lang, next step mo jan is find a way na makausap mo yung taong yun, ipaintindi mo sakanya at iparealize mo sakanya, baka lang, baka lang naman kasi nakakalimutan niya na ang nilalandi niya ay may jowa na. Kunag matino yan na tao, alam na dapat niya ang gagawin niya, kung hala sige pilit padin siya (dahil makati siya), gumawa ka na ng protective measures, protective measures para protektahan yung SAYO. Minsan kasi ma mga taong hindi marunong umintindi, may mga tao na kahit alam ng may nagmamay ari na, hala sige pilit padin. Basta wag ka titigil na ipaglaban ang karapatan mo, pero make sure parin na hindi ka mag mumukhang desperate at insecure sa harap niya. "KEEP CALM AND STAY CLASSY" nga daw diba? :)

Bed Weather (o7-o6-15)


 Malakas n buhos ng ulan, malamig na panahon... ito nanaman nag umpisa na ulit TAG-ULAN NA!!

     Madalas saatin mareklamo tayo, naghahanapa tayo ng mga bagay na wala saatin, pati sa weeather at panahon ganyan din tayo. Nung summer andami dami ko naririnig (kahit ako naman) na "Ano bayan ang init", "Umulan ka naman please para lumamig".. Lagi natin hinahanap si  Mr. Rain. hindi na lang natin tanggapin na "SUMMER" nga kasi ngayon kaya mainit eh, Now im officially stating this: SUMMER IS OFFICIALLY OVER! Nagumpisa na si Mr rain na magparamdam, sunod sunod na araw na na umuulan, may malalamig nanamang panahon. Madami saatin ngayon masaya, sara na sarap sa higaan, tulog lang ng tulog, na'aappreciate ang suspended na classes at kung ano ano pang privileges na dala ng ulan, pero pupusta ako, pagkatapos ng ilang buwan at pag nag sunod sunod na ang ulan at announcement ng bagyo, marami nanaman akong mababasa na magrereklamo at ipapatigil ang ulan na akala mo diyos sila. AHAHAHA (Yung totoo mga teh? ginusto niyo toh diba?). Be careful of what you wished for nga talaga, at be satisfied and contented of what's happening in your life right now, kasi just like the rain, it's not forever.. matatapos din yan, just like any season, nag iiba din ang lahat.. We should just stop complaining, whining, and asking for more. Let God control every situation.. Note to self ko din talaga ito ee.  Lastly, We should ALWAYS see the good in everything. Be it sa weather, sa problems natin sa buhay or sa mga taong nakikilala natin in our everyday lives. :)

Sunday, November 3, 2013

He's the ONE & the ONLY one

PAG MAHAL MO DAPAT KABISADO MO!
Alam mo kelan siya galit
Nag tatampo o nag iinarte lang :))
Alam mo kung ano ikasasaya at ikalulungkot niya..
Kasi kahit lalake man yan o babae, lahat ng emosyon at kilos niyan may dahilan.. Yung yung mga bagay na mas nalalaman natin, lalo na kung di tayo padalos dalos sa relasyon.. Di naman parang drag racing ang buhay na paunahan mag ka bf/gf tapos may reward in the end eh..  Madalas pa nga sa mga ganitong sitwasyon hindi reward ang nakukuha natin, kundi kasawian, yung tipong mapapakanta ka na lang ng "Laslas puso tulo ang dugo patay, buhay, umalis ka diyan sa puwesto mo.." (ayy.. langit lupa pala kinakanata yun, sorry na dala ako! HAHA).

Madalas sa generation ngayon puro ganyan na ang nangyayare yung tipong 
Girl: Crush ko siya! 
*hala lumalapit siya*
*insert kalandian of both parties here*
Boy: *insert name ni girl* Crush kita!
Girl: (hala! hala! crush niya daw ako anong gagawin ko??!) Crush din kita!

OK BOOM! KAMI NA!!

PBA Draft 2013

For all PBA fans like me.. 
Here's the complete set of the PBA Draft 2013 from 1st Round to 6th..
ANSAKIT SA PUSO NG DRAFT NA TOH.. hahahaha

I am an avid SMC (San Mig Coffee Mixers) supporter, pero my heart is torn between two teams.. kasi Chris Tiu (which is na draft na last year pa) & Jeric Teng are now on the same team, at dun pa sa team na pinaka ayaw ko :(( ROS (Rain or Shine).

I hope di sila maging violent players tulad ng mga magiging teammates nila dun..
So here's the list na:

First Round

1. Barangay Ginebra San Miguel – Greg Slaughter
2. San Mig Coffee Mixers – Ian Sangalang
3. Rain or Shine Elasto Painters – Raymond Almazan
4. Barangay Ginebra San Miguel (from Barako Bull) – James Forrester
5. GlobalPort Batang Pier (from Barako Bull via Petron) – Terrence Romeo
6. GlobalPort Batang Pier (from Barako Bull) – RR Garcia
7. GlobalPort Batang Pier – Isaac Holstein
8. Alaska Aces – Ryan Buenafe
9. Rain or Shine Elasto Painters – Alex Nuyles
10. San Mig Coffee Mixers – Justin Chua

Second Round

1. GlobalPort Batang Pier – Nico Salva
2. Rain or Shine Elasto Painters – Jeric Teng
3. San Mig Coffee Mixers – Justin Melton
4. Barako Bull Energy Colas – Jeric Fortuna
5. Talk ‘N Text Tropang Texters (from Alaska) – JP Erram
6. Air21 Express – Eric Camson
7. Talk ‘N Text Tropang Texters – Robby Celiz
8. Alaska Aces – Chris Exciminiano
9. Rain or Shine Elasto Painters – Gayford Rodriguez
10. Barako Bull Energy Colas – Carlo Lastimosa

Third Round

1. Air 21 – Joshua Webb
2. GlobalPort – Jopher Custodio
3. Barako Bull- Darwin Cordero
4. GlobalPort (from Ginebra)- LA Revilla
5. Petron – Sam Marata
6. Meralco – Anjo Caram
7. Talk ‘N Text – Eliud Poligrates
8. Alaska – Raymund Ilagan
9. Rain or Shine Ervic Vijandre
10. San Mig Coffee – JR Cawaling

Fourth Round

1. GlobalPort – PASS
2. Air 21 – Angelo Ingco
3. Barako Bull – Jett Vidal
4. Ginebra – John Usita
5. Petron: Nate Matute
6. Meralco: Mike Parala
7. Talk ‘N Text – Oping Sumalinog
8. Alaska – PASS
9. Rain or Shine – PASS
10. San Mig Coffee – PASS

Fifth Round

1. Air 21 -Randolph Chua
2. GlobalPort – PASS
3. Barako Bull – Mike Silungan
4. Ginebra – Alvin Padilla
5. Petron – PASS
6. Meralco – Mark Lopez
7. Talk ‘N Text – Byron Villarias
8. Alaska – PASS
9. Rain or Shine – PASS
10. San Mig Coffee – PASS

Sixth Round

1. GlobalPort – Pass
2. Air 21 – Jens Knuttel
3. Barako Bull – PASS
4. Ginebra – PASS
5. Petron – PASS
6. Meralco – Ron Guevarra
8. Alaska – PASS
9. Rain or Shine – PASS
10. San Mig Coffee – PASS

Thursday, October 24, 2013

Blog Update?!

Updated my blog AGAIN for the nth time.. How I wish I really have that extra time to blog all the things that's happening in my life right now..

I guess soon, I will be posting a blog about my vacation leave : my 1st time at BORACAY!! :))

Here's a teaser picture for now :))


Monday, January 7, 2013

Sing choirs of angel, sing in exhaultation


  Have you ever felt this eagerness or willingness to help others? If you ever ask me the same question I'll answer you with a "YES", actually lagi ko naman to nararamdaman specially kapag nakakakita ako ng mga batang namumulubi or mga sobrang tanda or even the handicapped ones, pero itong recent na pangyayari sa buhay ko napaka memorable nito.. 

  I am a Catholic since birth, "Saradong Katoliko" kung matatawag sa mga pilipino, I admit I've tried many churches or religions like Born again and Iglesia, but I dunno why I always end up on the same church that I grew up.. So here it goes, dati kami ni mama dito lang talga kami sa village namin nag sisimba every Sunday, pero nung mejo naging hassle na yung 6am na gising every morning dahil sa dami ng gagawin, we both decided na dito na lang kami sa St. Therese Church mag simba which is 10:30 am ang mass until the time na dumating ang Simbang gabi, dati kasi ang simbang gabi sa halos lahat ng simbahan dito malapit saamin 4am ang simba, eh dahil ngayon uso na ata ang "Anticipated Simbang Gabi" which starts at December 15, 9pm lahat na ganun na yung oras ng simba, even dito sa village namin, 1st time nga yun eh, so naisip nanaman namin ni mama na dito na ulit mag simba during simbang gabi kasi hassle na umuwi from a night mass from St. Therese kasi agawan na ng masasakyan nun, unlike pag dito lang saamin lakad lang puhunan mo (gulo namin ni mama noh? haha).

  So ayun, December 15, 9pm start ng simbang gabi p[ara akong nanibago sa atmosphere sa chapel namin, nakakatuwa para akong bagong salta ulit, haha.. tapos one thing that really caught my attention was the Choir! (Kung kilala niyo talaga ako, simula pagkabata, alam na alam ninyo na part ako ng choir since elementary days ko) so ayun, nakuh nila attention ko kasi bukod sa iba na yung members, bumalik yung dati naming head sa choir na si Ate Chic and PURO BATA MGA CHOIR.. :) 12 yrs old ang pinaka matanda, andun sila sa mga moment na talgang tinuturuan pa sila ng tamang pag kanta, and in all fairness proud ako sakanila kasi sa bata nilang yun they chose to serve God in their own little way. So to cut the story short, nag sabi ako kay ate chic na gusto ko tumulong na magturo din sa mga bata kumanta.. (yung totoo nag reminisce din ako eh hahaha) so, pinakilala ako ni Ate Chic sakanila and dun nag start ang lahat, ngayon I'm serving God again while helping those kids.

   It feels great and I feel so blessed every after mass, I gained new friends, and para akong bumabalik sa pagkabata every time na magkakasama kami. Nakikipaglaro at nakikipag halobilo sakanila at dahil wala din akong kapatid para rin akong nag karon ng mga little brothers and sisters sa katauhan nila. haha Sarap pala maging ate :P 

Eto mga pictures namin :)
























Si TOP TOP

















Si BERRANO (pinaka kengkoy sa grupo)















Si RAP RAP

















Si DAVID SIMON (isa sa pinaka guwapo sa grupo.. HAHA! :D)















Collage ng Pictures namin (hindi pa yan yung buong grupo ha? we're almost 20+ I think)

Tuesday, January 1, 2013

Taking things seriously -2013-


This New Year sabi ko sa sarili ko mag seseryoso na ako, hindi sa kalokohan o kung ano man pero sa mga bagay bagay na sa tingin ko daapat talgang seryosohin like JOB HUNTING, pag BBLOG ko, WORKFINDING MYSELF(drama lang.) etc.. madami kasi akong plano sa totoo lang, ambisyosa kasi akong tao, hindi naman siguro masama yun kasi libre lang mangarap, and kung mangangarap ka siguraduhin mong gagawin mo lahat para maabot yun, and ako willing naman ako gawin lahat (except masasamang bagay) para lang maabot pangarap ko..
Namimiss ko na mag-aral sa totoo lang, kaya part ng pangarap ko yung bumalik sa school, ittake ko ang Masters Degree ko (MA) kelangan ko lang muna tlaga makakuha ng stable job and makapag ipon, papasaan ba at makakapag enroll na ulit ako..
Sobrang sana talga itong 2013 madaming good breakthroughs na mangyare saakin, at sainyo na rin.. kaya I always pray to God to say thankyou and pag pray na din yung mga bagay na gusto ko, sabi ko nga “Lord, Let your will be done” kasi whenever you put God in the middle of your life or your plans everything will fall in its perfect place sooner or later.. :))
DON’T STOP DREAMING, KEEP BELIEVING..
PRAY.DREAM.LOVE