PAG MAHAL MO DAPAT KABISADO MO!
Alam mo kelan siya galit
Nag tatampo o nag iinarte lang :))
Alam mo kung ano ikasasaya at ikalulungkot niya..
Kasi kahit lalake man yan o babae, lahat ng emosyon at kilos niyan may dahilan.. Yung yung mga bagay na mas nalalaman natin, lalo na kung di tayo padalos dalos sa relasyon.. Di naman parang drag racing ang buhay na paunahan mag ka bf/gf tapos may reward in the end eh.. Madalas pa nga sa mga ganitong sitwasyon hindi reward ang nakukuha natin, kundi kasawian, yung tipong mapapakanta ka na lang ng "Laslas puso tulo ang dugo patay, buhay, umalis ka diyan sa puwesto mo.." (ayy.. langit lupa pala kinakanata yun, sorry na dala ako! HAHA).
Madalas sa generation ngayon puro ganyan na ang nangyayare yung tipong
Girl: Crush ko siya!
*hala lumalapit siya*
*insert kalandian of both parties here*
Boy: *insert name ni girl* Crush kita!
Girl: (hala! hala! crush niya daw ako anong gagawin ko??!) Crush din kita!
OK BOOM! KAMI NA!!
oh! wag kang magdedeny napaisip ka.. hahaha kasi totoo naman na ganyan na ang way kung paano maging kayo ng taong gusto mo.. Landian on the side lang.. then after a few weeks, or worst, days pa kamo kayo na. Nawawala na yung "Courting stage", wala na yung essence ng "getting to know phase" kaya madalas nag eexpect, tayo sa partner natin kasi ang nakita lang natin eh yung mala superhero niyang dating, mala candy niyang ka sweetan at kung ano pang mabulaklak sa ugali niya, nakakalimutan natin na tao din naman sila, nagkakamali din at higit sa lahat nasaspian din ng pagka demonyo minsan. HAHAHA :)))
We should accept the one we love not only for who he/she is, but also his/her imperfections as a person (tama ba grammar ko? hahaha nalito ako eh) basta ang point ko dapat yung taong mahal natin kilalanin natin ng husto kasi pag sinabe na nating mahal natin sila, andun na yung obligasyon na dapat mo siyang mahalin sa kung sino siya, pati mga imperfections at pagkakamali niya kasama na dun..Diba, pag kilala mo siyang mabuti, LESS EXPECTATIONS, LESS DISAPPOINTMENTS.
Napagdaanan ko na yung walang courting stage na yan, at alam ko sa sarili ko na hindi siya nagtatagal.. Wala din namang mawawala kung mag dadahan dahan sa pag-ibig.. SARAP KAYA MAGING SINGLE, take time for yourself, at pag feeling mo siya na si Prince Charming, Si Mr. Right o kung ano pa man tawag mo sakanya, wag ka agad susungab, kilalanin mo muna.. pag okay na lahat, pag naramdaman mong kahit anong katangahan, kayamutan, at kabwisitan pa ang ihatid niya sayo, nangingibabaw pa din ang love, THEN GO NA GIRL.. siya na siguro si Destiny, at mapapasigaw ka na ng "She's the One" or "He's the one"
No comments:
Post a Comment