Don't judge me until you know me. Don't underestimate me until you challenge me. And don't talk about me until you talk to me!
Monday, July 6, 2015
J E L L O is the new JELLY
Just like the lyrics of the song, this one goes "Jelous of the one who's arms are around you.."
Define Jelousy / Jelous. Sabi ni Mareng Merriam at pareng Webster, They defined "Jelous" as "Suspicious of a rival or of one believed to enjoy an advantage".
Bilang tao, taong nag mamahal kahit ba hindi kayo, basta alam mong nag mamahal ka ng tao, kahit patago, un-reciprocated man or jowa mo nga siya pero may lumalandi naman na iba, normal lang naman siguro talaga ang makaramdam ng tinatawag na SELOS. Pero hanggang kailan at paano ba natin malalamapasan ang pagseselos na yan?. Para saakin unang una talaga na kailangan ay TRUST, isa sa major component nga ng relasyon yan diba? (Relasyon so meaning im talking about a situation wherein kayo ng mahal mo okay? KAYO hindi yung ikaw lang ang may alam na boyfriend/girlfriend mo siya). Dapat tiwala ka sakanya na hindi ka niya sasaktan or hindi ka niya lolokohin, pag wala pa namang trust issues na namagitan sainyo from the past, isang malaking check ito, Pag may nakikita kang babae na umaaligid sakanya, wag kamunang praning at mag statement ng "Hoy! babaeng haliparot.." ekis yan teh, obserbahan mo muna, magkalap ka muna ng impormasyon, at pag wala ka naman nakikitang kahinahinala, then LET IT GO.. But when it bothers you na, and that person is already getting into your nerves, mas mabuti na rin siguro na mag initiate ka na ng conversation. Una mo dapat kausapin? ang Bf/Gf mo. Pag siya mismo ay nag kukuwento na ng kung ano ano na ginagawa ni babae o lalaki at pati siya nag hihinala na, aba teh, raise your red flag and proclaim a war na... De joke lang, next step mo jan is find a way na makausap mo yung taong yun, ipaintindi mo sakanya at iparealize mo sakanya, baka lang, baka lang naman kasi nakakalimutan niya na ang nilalandi niya ay may jowa na. Kunag matino yan na tao, alam na dapat niya ang gagawin niya, kung hala sige pilit padin siya (dahil makati siya), gumawa ka na ng protective measures, protective measures para protektahan yung SAYO. Minsan kasi ma mga taong hindi marunong umintindi, may mga tao na kahit alam ng may nagmamay ari na, hala sige pilit padin. Basta wag ka titigil na ipaglaban ang karapatan mo, pero make sure parin na hindi ka mag mumukhang desperate at insecure sa harap niya. "KEEP CALM AND STAY CLASSY" nga daw diba? :)
Bed Weather (o7-o6-15)
Malakas n buhos ng ulan, malamig na panahon... ito nanaman nag umpisa na ulit TAG-ULAN NA!!
Madalas saatin mareklamo tayo, naghahanapa tayo ng mga bagay na wala saatin, pati sa weeather at panahon ganyan din tayo. Nung summer andami dami ko naririnig (kahit ako naman) na "Ano bayan ang init", "Umulan ka naman please para lumamig".. Lagi natin hinahanap si Mr. Rain. hindi na lang natin tanggapin na "SUMMER" nga kasi ngayon kaya mainit eh, Now im officially stating this: SUMMER IS OFFICIALLY OVER! Nagumpisa na si Mr rain na magparamdam, sunod sunod na araw na na umuulan, may malalamig nanamang panahon. Madami saatin ngayon masaya, sara na sarap sa higaan, tulog lang ng tulog, na'aappreciate ang suspended na classes at kung ano ano pang privileges na dala ng ulan, pero pupusta ako, pagkatapos ng ilang buwan at pag nag sunod sunod na ang ulan at announcement ng bagyo, marami nanaman akong mababasa na magrereklamo at ipapatigil ang ulan na akala mo diyos sila. AHAHAHA (Yung totoo mga teh? ginusto niyo toh diba?). Be careful of what you wished for nga talaga, at be satisfied and contented of what's happening in your life right now, kasi just like the rain, it's not forever.. matatapos din yan, just like any season, nag iiba din ang lahat.. We should just stop complaining, whining, and asking for more. Let God control every situation.. Note to self ko din talaga ito ee. Lastly, We should ALWAYS see the good in everything. Be it sa weather, sa problems natin sa buhay or sa mga taong nakikilala natin in our everyday lives. :)
Subscribe to:
Posts (Atom)