Don't judge me until you know me. Don't underestimate me until you challenge me. And don't talk about me until you talk to me!
Monday, July 6, 2015
J E L L O is the new JELLY
Just like the lyrics of the song, this one goes "Jelous of the one who's arms are around you.."
Define Jelousy / Jelous. Sabi ni Mareng Merriam at pareng Webster, They defined "Jelous" as "Suspicious of a rival or of one believed to enjoy an advantage".
Bilang tao, taong nag mamahal kahit ba hindi kayo, basta alam mong nag mamahal ka ng tao, kahit patago, un-reciprocated man or jowa mo nga siya pero may lumalandi naman na iba, normal lang naman siguro talaga ang makaramdam ng tinatawag na SELOS. Pero hanggang kailan at paano ba natin malalamapasan ang pagseselos na yan?. Para saakin unang una talaga na kailangan ay TRUST, isa sa major component nga ng relasyon yan diba? (Relasyon so meaning im talking about a situation wherein kayo ng mahal mo okay? KAYO hindi yung ikaw lang ang may alam na boyfriend/girlfriend mo siya). Dapat tiwala ka sakanya na hindi ka niya sasaktan or hindi ka niya lolokohin, pag wala pa namang trust issues na namagitan sainyo from the past, isang malaking check ito, Pag may nakikita kang babae na umaaligid sakanya, wag kamunang praning at mag statement ng "Hoy! babaeng haliparot.." ekis yan teh, obserbahan mo muna, magkalap ka muna ng impormasyon, at pag wala ka naman nakikitang kahinahinala, then LET IT GO.. But when it bothers you na, and that person is already getting into your nerves, mas mabuti na rin siguro na mag initiate ka na ng conversation. Una mo dapat kausapin? ang Bf/Gf mo. Pag siya mismo ay nag kukuwento na ng kung ano ano na ginagawa ni babae o lalaki at pati siya nag hihinala na, aba teh, raise your red flag and proclaim a war na... De joke lang, next step mo jan is find a way na makausap mo yung taong yun, ipaintindi mo sakanya at iparealize mo sakanya, baka lang, baka lang naman kasi nakakalimutan niya na ang nilalandi niya ay may jowa na. Kunag matino yan na tao, alam na dapat niya ang gagawin niya, kung hala sige pilit padin siya (dahil makati siya), gumawa ka na ng protective measures, protective measures para protektahan yung SAYO. Minsan kasi ma mga taong hindi marunong umintindi, may mga tao na kahit alam ng may nagmamay ari na, hala sige pilit padin. Basta wag ka titigil na ipaglaban ang karapatan mo, pero make sure parin na hindi ka mag mumukhang desperate at insecure sa harap niya. "KEEP CALM AND STAY CLASSY" nga daw diba? :)
Para naman sa mga taon, nag seselos pero hindi naman kayo (pero unsure ka din kung mahal ka niya pero close kayo). Isa lang ang dapat mo gawin, kausapin mo siya, baka kasi namimis interpret mo lang din ang kindness niya, at mas mabuti ng magusap kayo para atleast alam niya na nasasaktan ka na niya, baka sakaling mapaamin mo siya na mahal ka din pala niya, pero humanda ka sa isasagot niya kasi possibleng kabaliktaran ng nararamdaman mo ang isagot niya. Pag pareho kayo, CONGRATULATIONS!! May instant jowa ka na. Pag magkaiba naman kayo ng nararamdaman, sorry, pero alam ko na mahirap ang kailangan mo gawin, pero dapat mong i-"Accept & Let go" siya. Magtira ka ng konting dignidad at respeto sa sarili mo, maganda ng nalaman niya na nasasaktan ka at nag seselos ka, para kahit papaano kung nag cacare man siya sayo, kahit bilang kaibigan mang lang eh iiwasan na niya na gumawa ng bagay na ikasasakit mo at lalo na ang mga bagay para lalo ka niyang ma paasa.
Para sa taong nag mamahal o nag seselos sa taong may mahal ng iba; Kung kaibigan mo siya, ACCEPT & LET GO din, pero make sure na hindi mo sisirain ang friendship ninyo, oo mahirap lalo na sa una, pero isipin mo na mas masuwerte ka kasi makakasama mo siya forever kahit bilang kaibigan lang, unlike kung jowa, wala kang kasiguraduhan kung mag tatagal ba kayo o hindi. Sa una siguro lumayo ka muna hanggang sa mawala ang nararamdaman mo, lumayo in a sense na mag bibigay ka lang ng space pero hindi to the point na iiwan mo siya sa ere bilang kaibigan, at pag ready ka na ulit at sure na sure ka na na you have moved on, balik ka na ulit sa buhay niya, pero before giving yourself or your friendship a space, explain everything to him/her muna at kung totoo mo siyang kaibigayn, maiitindihan ka niya, ganun din sa part mo, kung totoo mo siyang kaibigan, iintindihin mo na hindi ikaw ang mahal niya, at oo napapasaya mo siya, pero bilang KAIBIGAN LANG. but always remember this "FRIENDSHIP is FOREVER!"
At the end of the day.. Isa lang naman ang imprtante diyan eh.. Normal makaramdam ng seos, TAO ka lang NASASAKTAN KA DIN. Pero kahit anong selos pa yan, WAG na WAG kang gagawa ng desperate moves para makasira ng relasyon ng iba. MATAKOT KA SA KARMA. :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment